Mambubulahaw ang mga rebelasyon sa masalimuot niyang relasyon. Narito ang testimonya ng mga tagpong bawal, kinokondena. Parang baboy, haram sa relihiyong Islam. Narito ang mga kabanata ng pagpinid ng pinto tulad ng pagsasara ng puso. Tunghayan ang isa-isang pagsisilid sa balikbayan box ng kaniyang mga mumunting pangarap. Palilingunin tayong muli sa kaniyang kamusmusan, mga pangungulilang naikukubli at naikakahong mga dalamhati. Mga kuwento ng muling pagbabalik at pagtalikod ngunit patuloy na magmamahal. Muli nating pagtatagpiin ang kaniyang mga pira-pirasong istorya. Animo'y mga basag-basag, durog-durog na bubog sa kaniyang memorya. Marahil ito ang karugtong sa kaniyang unang koleksiyon ng mga dagli. Aanyayahan niya tayong ihuhulma sa ating sariling imahinasyon at aangkinin sa ating realidad. Mananatili itong hahanap ng puwang sa napalawak na entablado ng buhay. Ang kaniyang kusang pagbahagi ay hindi upang maging buo kundi mananatiling katiting lamang sa ating mga bahagi. Muling maninindigan. Muling magpapakilala ang isang OFW, makata, kapatid, anak, bakla, reyna, puta, etcetera - ang Ibang Lady Gaga. At ito ang muling pag-ariba!