16,99 €
inkl. MwSt.

Versandfertig in 1-2 Wochen
  • Broschiertes Buch

Sa tuwing mayroong kinahaharap na pagsubok at paghihirap sa buhay, kailangan natin ng kaginhawaan. Kapag tayo ay hindi sigurado kung saan tayo tutungo, kailangan natin ng pag-asa. Kapag tayo ay nagkakasala, kailangan natin ng Tagapagligtas. Kapag pinagdududahan natin ang ating pananampalataya, kailangan natin ng kasiguraduhan. Si Jesus ang ating ginhawa, ating pag-asa, ating tagapagligtas, at ang ating kasiguraduhan. Siya ang Mesias na kay tagal na hinintay, ang Siyang hinintay at hinihintay ng lahat. Siya ang Anak ng Diyos. Siya ang Cristo. "Tunay ngang Anak ng Diyos ang taong ito!" Marcos…mehr

Produktbeschreibung
Sa tuwing mayroong kinahaharap na pagsubok at paghihirap sa buhay, kailangan natin ng kaginhawaan. Kapag tayo ay hindi sigurado kung saan tayo tutungo, kailangan natin ng pag-asa. Kapag tayo ay nagkakasala, kailangan natin ng Tagapagligtas. Kapag pinagdududahan natin ang ating pananampalataya, kailangan natin ng kasiguraduhan. Si Jesus ang ating ginhawa, ating pag-asa, ating tagapagligtas, at ang ating kasiguraduhan. Siya ang Mesias na kay tagal na hinintay, ang Siyang hinintay at hinihintay ng lahat. Siya ang Anak ng Diyos. Siya ang Cristo. "Tunay ngang Anak ng Diyos ang taong ito!" Marcos 15:39 Ang Ebanghelyo ni Marcos ay isang makapangyarihang pagpapahayag ng buhay ni Jesus. Ipinapakita nito ang karakter ni Jesus sa bawat pahina, mula sa Kaniyang pagnanais na makapaglingkod sa Kaniyang kapangyarihan at himalang maipakita ang Diyos. Sa bawat tagpo tinatanong ng manunulat, "Nasaan ang iyong pananampalataya?". Sa ating pagbasa at pag-aral ng Ebanghelyo ni Marcos, hindi natin mapipigilang tanungin ang ating sarili kung ang pananampalataya natin ay na kay Jesus o na sa ating sarili. Ang "The Gospel of Mark" ay bible study sa Ebanghelyo ni Marcos. Sa loob ng anim na linggong pag-aaral tungkol sa importanteng pamamahayag ng buhay ni Jesus, nawa ay maitanong natin ang mahalagang tanong, "Nasaan ang iyong pananampalataya?". Mayroong dalawang pag-amin kung sino si Jesus sa loob ng Ebanghelyong ito. Sa sama-sama nating pag-aaral sa libro na ito, tayo ay umaasang masasagot natin ang tanong kung sino si Jesus katulad ng pagsagot ni Pedro: "Ikaw ang Cristo." (Marcos 8:29). Kung ikaw ay mayroong pananampalataya sa kung sino si Jesus at kung ano ang kaya Niyang gawin, ito ang bible study para sa iyo! Samahan kami online sa anim na linggong pag-aaral o sa aming Love God Greatly app. Doon inyong makikita ang mga sumusunod na nilalaman tungkol sa The Gospel of Mark sa parehong plataporma sa aming blogs tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, pati na rin ang mas malalim pang ...
Hinweis: Dieser Artikel kann nur an eine deutsche Lieferadresse ausgeliefert werden.