44,99 €
inkl. MwSt.
Versandkostenfrei*
Versandfertig in 1-2 Wochen
payback
22 °P sammeln
  • Broschiertes Buch

Ikaw ba ay isang Kristiyano o isang manlalakbay na nangangarap bumisita sa Lupain ng Mesiyas? Napipigilan ka bang gawin ito dahil sa mga limitasyon sa kalusugan o pananalapi? Ngayon, maaari mo nang maisakatuparan ang lahat sa pamamagitan nitong magandang aklat! Ang bahagi ng mundo na bumubuo sa Banal na Lupain ay ubod ng yaman sa kasaysayan na tumagal ng libu-libong taon. Sa loob nito, matatagpuan ang hindi mabilang na mga kayamanan, lungsod, kuta at mga pook na patuloy na umaakit sa mga manlalakbay at mga peregrino sa loob ng maraming siglo, kasama na ang patas na ambag ng mga mananakop. Para…mehr

Produktbeschreibung
Ikaw ba ay isang Kristiyano o isang manlalakbay na nangangarap bumisita sa Lupain ng Mesiyas? Napipigilan ka bang gawin ito dahil sa mga limitasyon sa kalusugan o pananalapi? Ngayon, maaari mo nang maisakatuparan ang lahat sa pamamagitan nitong magandang aklat! Ang bahagi ng mundo na bumubuo sa Banal na Lupain ay ubod ng yaman sa kasaysayan na tumagal ng libu-libong taon. Sa loob nito, matatagpuan ang hindi mabilang na mga kayamanan, lungsod, kuta at mga pook na patuloy na umaakit sa mga manlalakbay at mga peregrino sa loob ng maraming siglo, kasama na ang patas na ambag ng mga mananakop. Para sa ilang mga tao, ang makadalaw sa Banal na Lupain ay isang panghabambuhay na ambisyon ngunit dahil sa layo nito at may kamahalan, madalas itong mauwi sa isang pangarap na di-kayang abutin. Narito na! Ngayon, pwede mo nang malasap ang lahat ng maiaalok sa iyo ng nakamamanghang aklat na ito, The Land of the Messiah: A Land Flowing with Milk and Honey, kung saan maaari mong bisitahin ang ilan sa mga pinakasikat na lugar tulad ng: Beit Shemesh Bethlehem Jericho Ang Ilog Jordan Masada Megiddo Ang Dagat ng Galilea Monasteryo ni St. George ng Kosiba At marami pang iba... Sa kabuuan, 82 kahanga-hangang mga pook na may kalakip na 600 pambihirang mga larawan, ang magdadala sa iyo sa animo'y paglalabay na para bagang naranasan mo na rin ang tunay na pakiramdam ng nasa Banal na Lupain at lahat ng maaari mong makita sa pamamagitan nitong nakalarawang obra-maestra na halos parang naroroon ka nang personal. Ang bawa't pook ay detalyadong inilalarawan, gamit ang lahat ng kaalaman ng may-akda na hinugot mula sa kanyang bachelor's degree sa Theology, M.A. sa Archaeology at lisensya bilang Tour Guide, para bigyan ka ng kumpletong kasaysayan sa likod ng bawa't larawan. Mag-scroll pataas ngayon at i-click ang Idagdag sa Cart para sa iyong kopya! Sa muli, Maraming salamat po.
Hinweis: Dieser Artikel kann nur an eine deutsche Lieferadresse ausgeliefert werden.
Autorenporträt
Si Marcos Enrique Ruiz Rivero II (Aviel) ay ipinanganak at lumaki sa Caracas, Venezuela. Lumipat siya sa Israel noong 1998 matapos makumpleto ang Diploma in Bible and Church Mission sa Belfast Bible College sa Hilagang Ireland.Tinapos niya ang Bachelor's Degree in Theology sa Israel College of the Bible at Master of Arts in Archeology (Summa Cum Laude) sa University of the Holy Land noong 2000 at 2015, ayon sa pagkakabanggit. Siya ay Lisensiyadong Patnubay sa Paglalakbay ng Haifa University. Mula 2011 hanggang ngayon, siya ay propesyunal na Patnubay sa Paglalakbay at hindi na mabilang ang mga taong mula sa iba't-ibang panig ng mundo ang kanyang napaglingkuran. Nagagawa ni Aviel na pagsamahin ang kanyang matatag na kaalaman sa teolohiya, arkeolohiya at impormasyong pangkasaysayan tungkol sa mga lugar sa Banal na Lupain, na binibisita ng bawa't pangkat ng manlalakbay, nahihimok at nagagawang buhay sa kanila ang Bibliya - kaya nga't siya ay tinaguriang "Dakilang Patnubay".Siya ang may-akda at naglimbag ng una niyang aklat, "Jerusalem of Gold," mga sanaysay tungkol sa kahalagahan at kahali-halinang mga pook sa Jerusalem noong 2015. Ang mga larawan ng mga lugar na nagpapahayag ng sanlibu't-isang mga kwento, na siya mismo ang kumuha, ay itinatampok din sa lathalang ito.Siya mismo ay naglalakbay din sa mundo upang mangaral at magturo ng Salita ng Diyos para sa isang layuning isulong ang Kaharian ng Diyos - ang lahat ay sa kaluwalhatian ng Ama.Isang dalubhasang litratista, si Aviel ay tatay ng tatlong magagandang mga prinsesa na sina Liel Adriana, Tahel Violeta at Hallel Andrea, at kasal sa kanyang asawang si Wea - ang kanyang habambuhay na huwaran ng pag-ibig, katapatan sa pangako, at masidhing pagnanais.