"O upang higit na mapatingkad ang aral ng kasaysayan, ang kabuluhan ng alaala para magabayan ang pagpapahalaga sa salimuot ng kasalukuyan. Ano nga ba ang nása ísip ni Pedro Calosa noon? Nagwala't sumalpok ang sangkawang tuksó nagsayaw ang dahon ng paaning tubó; lasa ng amiha'y pawang sa 'sang apdó't sumundot sa ilong ang sunóg na butó. Natatangi ang pangwakas na larawang ito hindi lámang dahil sa may antas na tudlikan ang tugmaan sa naturang saknong. Nakagigimbal din ang atmospera ng sinusúnog (?) na tubuhan at nasusúnog ding katawan ng mga busabos na sakada-upang usisain pa natin ang Kolorum nang higit kaysa pekeng sasakyan ng poot. Sa tulong ng katutubong tugma't súkat, ipinasasaliksik pa sa atin ng makata ang ating lumípas." - Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan
Hinweis: Dieser Artikel kann nur an eine deutsche Lieferadresse ausgeliefert werden.
Hinweis: Dieser Artikel kann nur an eine deutsche Lieferadresse ausgeliefert werden.