8,99 €
inkl. MwSt.

Versandfertig in 1-2 Wochen
payback
4 °P sammeln
  • Broschiertes Buch

Palagi akong namamangha sa taglay na ganda at liwanag ng buwan. Ano man ang hugis o yugto nito; buo man, kalahati, gasuklay, o nagsisimula pa lamang. Kung maaari nga lang sana itong lapitan o hawakan ay matagal ko nang ginawa. At malamang ay palagi kong gagawin. Gusto kong maging buwan, pangarap na alam kong hindi mangyayari kailanman. Tulad ng buwan, gusto kong maging maganda, maliwanag, at hinahangaan. Ngunit alam ko na ito ay hanggang pangarap at panaginip lang. Subalit ang pangarap at imahinasyon palang ito ay posibleng maging totoo sa pagdating ng isang tao. "Para kang buwan, ang ganda…mehr

Produktbeschreibung
Palagi akong namamangha sa taglay na ganda at liwanag ng buwan. Ano man ang hugis o yugto nito; buo man, kalahati, gasuklay, o nagsisimula pa lamang. Kung maaari nga lang sana itong lapitan o hawakan ay matagal ko nang ginawa. At malamang ay palagi kong gagawin. Gusto kong maging buwan, pangarap na alam kong hindi mangyayari kailanman. Tulad ng buwan, gusto kong maging maganda, maliwanag, at hinahangaan. Ngunit alam ko na ito ay hanggang pangarap at panaginip lang. Subalit ang pangarap at imahinasyon palang ito ay posibleng maging totoo sa pagdating ng isang tao. "Para kang buwan, ang ganda kaso malayo". Mga kataga mula sa isang ginoo na di kalaunan ay nagpakilalang araw, sapagkat para sa kanya ay ako ang buwan. At ito ang naging simula ng aming pagtatagpo at pagiging malapit sa isa't isa. Sol at Luna ika nga. At ang tagpong ito ay tila ba naging espesyal at hindi pangkaraniwan. Katulad na lamang ng minsang nangyayari sa kalawakan na madalang lamang nating masaksihan. Isang Eklipse kung tawagin ng siyensya. Ngunit hanggang saan nga ba hahantong ang pagtatagpong ito ng isang buwan at ng araw? Tulad din kaya ito ng Eklipse na panandalian lang? O magiging posible na ito ay maaaring magsama ng matagal.
Hinweis: Dieser Artikel kann nur an eine deutsche Lieferadresse ausgeliefert werden.