Iba't ibang klase ng tao ang ating matatagpuan at makikilala sa buhay. Iba't ibang klase ng tao ang darating at dadaan upang sa atin ay magpahayag ng interes, paghanga, at kung minsan naman, ng pagmamahal. Ngunit hindi lahat ng nagpapahayag nito ay tunay at nananatili. Sapagkat kadalasan, nagsisilbi lamang silang aral o kaya naman ay inspirasyon sa atin. Sabi nga ng ilan, you never met a person by accident. May dahilan at may dahilan daw kung bakit natin nakikilala ang isang tao. May dahilan kung bakit ang iba sa kanila ay hindi nanatili at nagtagal, may dahilan kung bakit dumaan lamang sila sa buhay natin at agad ring lumisan. Ito nga pala ang isang maikling kwento na may halong saya, kilig, at lungkot tungkol sa isang tao na naging mahalagang bahagi ng aking buhay. Isang tao na naging bahagi ng aking buhay sa loob lamang ng anim na araw. Kaya naman maituturing ito na pansamantala ngunit nag-iwan naman ng permanenteng ala-ala at inspirasyon na lagi kong taglay ngayon sa buhay.
Hinweis: Dieser Artikel kann nur an eine deutsche Lieferadresse ausgeliefert werden.
Hinweis: Dieser Artikel kann nur an eine deutsche Lieferadresse ausgeliefert werden.