Ang aklat na ito ay binubuo ng koleksyon ng Isang Daan (100) na Tula ng may-akda para sa isang taong kanyang minamahal. Nakasulat ito sa Filipino, may ilang nakasulat sa Ingles at mangilan-ngilang nakasulat sa Diyaletong Bikol na binigyan ng pagsasalin sa Filipino. Samo't saring tula na tala ng kaniyang iba't ibang damdaming naranasan sa loob ng limang taon o kalahating dekada simula sa kanilang pagkikita, pagkakakilala, at pagiging magkaibigang virtual. Mga tala ito ng mga damdaming one-sided, mga salitang di kayang sabihin sa mismong taong kanyang iniibig kaya idinaan na lamang sa pagsulat ng mga tula. Pagkat sa ganitong paraan, baka sakaling mabasa ng mismong taong kanyang pinaghahandugan. Gayon din, pag-aalay ito sa mga nakaranas ng one-sided love at magpahanggang sa ngayon ay di pa rin makawala. Sa mga di kayang magsabi nang harapan sa taong mismong pinupukulan ng pagsinta at patuloy na kinikimkim ang kanilang mga nararamdaman dahil sa pagiging babae. Mga babaeng may pagka-Maria Clara pa rin, mga babaeng konserbatibo, mga babaeng naigupo sa isteryotipong pananaw na kailangang maghintay na suyuin ng lalaki at higit lalo sa mga tumatanda ng dalaga.
Hinweis: Dieser Artikel kann nur an eine deutsche Lieferadresse ausgeliefert werden.
Hinweis: Dieser Artikel kann nur an eine deutsche Lieferadresse ausgeliefert werden.