Kung ang Kahapon ay Bukas ito ay tumatalakay sa dalawang uri ng pamilya na pinagkaisa ng isang karakter. Ang istoryang ito ay magbibigay daan para pukawin ang ating isipan sa nakalimutang pagmamahal sa ating mga magulang, Tumatalakay din ito sa estado ng pamumuhay sa kasalukuyan sa pamamagitan ng mga bilihin, bayarin sikreto, kapangyarihan, kayamanan, mga nasa taas at sa baba at paniniwala ng isang pamilya na taglay sa ngayon. Dahil mas lalong tumitibay ang pagsasama ng isang pamilya kung lahat ay sama-sama. Kasabay na din dito ang pundasyon na pagkakaisa at pagkamit ng ating tagumpay tungo sa hinaharap at sa ating buhay. Kaya sa librong ito makikita at maihahalintulad natin sa totoong estado ng ating pamilya tungo sa pagkakabuklod, pagtutulungan at pagkakaisa tungo sa maginhawang pamumuhay. Nagiging mas minamahal pa natin ang ating sarili sa pagtupad ng tungkulin bilang mga anak, at sa ating minamahal na mga magulang, Kaya simula ng magpatawad at kilalanin ang isa't - isa bilang isang mabuting mga anak sa pagtupad ng ating tungkulin at yun ay mahalin at respetuhin ang ating mga ina at ama. Kaya basahin na ang Kung Ang Kahapon Ay Bukas na maihahalintulad natin sa estado ng ating pamilya na layong magbigay ng inspirasyon at pag-asa sa ating mga sarili, hangad ng kwento na ito na mas lalo pa nating maintindihan ang salitang pagmamahal na unang binigkas ng ating mga magulang, kaya samahan at suportahan niyo ako at ang literaturang Filipino para sa lahat at para sa ating bayan.
Hinweis: Dieser Artikel kann nur an eine deutsche Lieferadresse ausgeliefert werden.
Hinweis: Dieser Artikel kann nur an eine deutsche Lieferadresse ausgeliefert werden.