Pisara...Saan ba 'yun madalas makita? Para saan ba 'yun? Ang pisara ay isa sa mga pangunahing kagamitan sa paaralan para maturuan ang mga mag-aaral. Pisara din ang simbolo nang edukasyon sa dahilang ang pisara ay maihahalintulad sa libro na bintana nang karunungan. Sa panahon ngayon, may iba't ibang uri na nang pisara: may berde, may itim, may puti at may glassboard. Sa istoryang ito, matutunghayan natin kung ano ang kahalagahan ng pisara sa buhay ng tao. Nakapaloob din dito ang istorya nang isang pamilya na sa kabila ng kahirapan ng buhay ay pinilit na iginapang ang pag-aaral ng anak. Ang istorya ni Aling Soledad, Bituin at Paris; Ang tatlong babaeng ito ay may iba't ibang uri nang pisarang sinasalaminan. Ina, anak at apo, tatlong uri nang katayuan sa pamilya. Hindi ko na pahahabain pa, simulan mo na ang pagsubaybay sa buhay nina Aling Soledad; ang Ina, Bituin; ang anak at si Paris; ang apo. Nawa'y makatulong ang istoryang ito para mahanap mo ang iyong sariling PISARA: Salamin ng Pag-asa. May Akda