Ang catholicity/ecclesiality ng Iglesia Filipina ay makikita sa kanyang ecumenism tila karugtong sa diwa ng sa Nicaea noong A.D. 325. Hindi limitado sa doctrinal rightness ngunit karugtong sa damdaming tao na sinakop at tumanaw ng kanyang kalayaan kay Kristo at sa kapatiran ng lahat na tao. Naghahangad ng paggalang sa likas niyang kaangkinan bilang katuwang ng Diyos sa patuloy na pag-likha. Nakararanas ng kapaitan ay siyang may patotoo sa mapagpalayang katotohanan kay Kristo: "Itong bayang nag-apuhap sa gitna ng kadiliman Sa wakas ay nakakita ng maningning niyang ilaw! Liwanag na taglay nito'y siya ngayong tumatanglaw Sa lahat ng nalugami sa ilalim ng kamatayan!" (Mateo 4: 16). Ang IFI nga ay isang saksing tinipon at isinugo mula sa karanasan ng pananakop. Kasingtulad ni Moses at kanilang kalayaan, o panahon ni Kristo sa imperyong Romano at Pax Romana--ang IFI ay nagbabandila ng mapagpalayang-katoliko ng pag-ibig at kapatiran sa ikapayapa ng lahat. Ito'y tukoy ng damdaming tao at ng unang mga aral ng IFI. Natanto ni Pope John Paul II ang kahalagahan ng tao kaysa bagay: "the primacy of persons over things…" Sanhi ng panawagan sa pagsisisi sa kasalanan ng Romano Katoliko sa mga nakaraan. Ito'y patunay sa katotohanang hayag at kadahilanan ng IFI, itinuring na wala, tinawag at tinipon mula sa 'wala,' naging simbahan na may patotoong wagas na kabutihan para sa lahat: ang Diyos ng pag-ibig at kapatiran, higit sa mga ismo, higit sa pagnanasa ng mga bagay at kapangyarihan. Mula dito ay may tunguhin para sa tao: IFI-Epistle VI (1903): "We are born with the right to think freely and express our thoughts according to the light of reason which the Divinity has given us; we are with the right to associate freely with those we choose for the purpose of our own perfection and needs; we are born with the right to govern our own persons, our families, home and birthplace; we are born in short, with the right to do freely whatever is our pleasure so long as we do not violate the liberty and rights of others. We Christians have been called to liberty (Gal.5:13), since Jesus has come to free us (Luke 4:18; Isa.61:1).
Hinweis: Dieser Artikel kann nur an eine deutsche Lieferadresse ausgeliefert werden.
Hinweis: Dieser Artikel kann nur an eine deutsche Lieferadresse ausgeliefert werden.