Nahihirapan ka ba sa iyong buhay dahil sa kahihiyan? Ang hiya ay walang pinipili. Nararanasan natin ito ano man ang ating nakaraan, edad, o saan man tayo nagmula. Ito ay wais at nais nitong pumasok sa ating mga buhay. Binibigyan tayo nito ng dahilan upang gustuhin nating magtago at maglaho na lamang. Pinipigilan tayo nito at ipinaparamdam sa atin na para bang hindi tayo sapat. Inaalis nito ang ating kumpiyansa at ipinapaalala sa atin ang ating mga kamalian at pagkukulang. Kailangang matagpuan ng hiya ang mag-aalis dito. Aminin man natin o hindi, malaki ang epekto ng hiya sa ating lahat. Pinipigilan tayo nito na mamuhay ng may pananampalataya tulad ng nais ng Diyos para sa atin. Sa halip na mamuhay sa ating mga kakayahan, inilalagay tayo nito sa pagsisisi, pagka-inggit, at pagdududa. Dito sa apat na linggong pag-aaral, ating tutuklasin ang labing-isang iba't ibang kuwento mula sa Bibliya at makikita mula sa Banal na Kasulatan kung paano nilabanan ng Diyos ang kahihiyan mula sa kanilang buhay pati na ng sa atin. Ang Diyos ang natatanging nag-aalis ng kahihiyan sa ating buhay o ang Shame Breaker at patuloy Niya pa rin itong ginagawa. Hindi ka alipin ng kahihiyan sa iyong buhay. Kaya itong alisin ng Diyos sa pamamagitan ng Kaniyang lakas. Sa pag-aaral na ito, ipapakita namin sa inyo kung paano. Samahan ninyo kami online sa apat na linggong pag-aaral o sa aming Love God Greatly app. Doon ninyo makikita ang mga Shame Breaker content sa parehas na lugar sa aming blog tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes - mas malalim na pag-intindi sa aming araw-araw sa debosyon, at ang mapagmahal na komunidad na susuporta sa inyo sa ating sama-samang paglaban sa lakas ng kahihiyan at pagyakap at pagtanggap ng kalayaan na ating mahahanap sa pamamagitan ni Kristo - na ating tagapagtanggol at nag-aalis ng ating kahihiyan o ang ating Shame Breaker!
Hinweis: Dieser Artikel kann nur an eine deutsche Lieferadresse ausgeliefert werden.
Hinweis: Dieser Artikel kann nur an eine deutsche Lieferadresse ausgeliefert werden.