16,99 €
inkl. MwSt.

Versandfertig in 1-2 Wochen
payback
8 °P sammeln
  • Broschiertes Buch

Noong simula pa lamang, ang Diyos ay gumawa ng tipan sa Kaniyang bayan, mga tipan upang ipahayag ang Kaniyang katangian at plano para sa mundo. Siya ay gumawa ng mga pangako, testamento ng Kaniyang katapatan, mga rason ng Kaniyang pananampalataya, at mga rason ng pag-asa. Siya ay gumawa ng tipan kay Noe, ipinapangako sa kanya at sa kanyang mga inapo na hindi na Niya muling wawasakin ang mundo. Siya ay gumawa ng tipan kay Abraham, ipinapangakong siya ay gagawing dakilang bansa kung saan magmumula ang Mesias. Siya ay gumawa ng tipan kay Israel, upang sila'y magpakabanal at itakda bilang Kaniyang…mehr

Produktbeschreibung
Noong simula pa lamang, ang Diyos ay gumawa ng tipan sa Kaniyang bayan, mga tipan upang ipahayag ang Kaniyang katangian at plano para sa mundo. Siya ay gumawa ng mga pangako, testamento ng Kaniyang katapatan, mga rason ng Kaniyang pananampalataya, at mga rason ng pag-asa. Siya ay gumawa ng tipan kay Noe, ipinapangako sa kanya at sa kanyang mga inapo na hindi na Niya muling wawasakin ang mundo. Siya ay gumawa ng tipan kay Abraham, ipinapangakong siya ay gagawing dakilang bansa kung saan magmumula ang Mesias. Siya ay gumawa ng tipan kay Israel, upang sila'y magpakabanal at itakda bilang Kaniyang piniling bayan. Siya ay gumawa ng tipan kay David, ipinapangakong itatatag ang pagtitibayin ang kaniyang kaharian magpakailanman. At sinabi sa kanila ng anghel, "Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang mabuting balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. Sapagkat isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon. - Lucas 2:10-11 Kay Kristo, ang lahat ng tipan ng Diyos ay natupad. Si Jesus ang sagot sa lahat ng pangako ng Diyos. Siya ang walang hanggang tipan na ating hinihintay. Sa pamamagitan Niya tayo ay mayroong kapayapaan, pag-asa, seguridad, kinabukasan, kabanalan, kabutihan, at kinabibilangan. Siya ang ating walang hanggang tipan. Sa ating paghahanda ng ating mga puso sa kapaskuhan, ating pag-aaralan ang mga paraan kung saan si Hesus ang sagot sa lahat ng tipan ng Diyos. Sa ating pagdiriwang ng Kaniyang kapanganakan, ating makikita lahat ng paraan kung saan nasagot ni Hesus ang ating mga pangangailangan at nabigyan tayo ng pag-asa. Ang walang hanggang tipan ay apat na linggong pag-aaral na ginawa para sa panahon ng Adbiyento. Ang Adbiyento ay panahon ng pagdiriwang sa pagdating ni Kristo at Kaniyang pagtupad sa mga pangako ng Diyos. Itatampok ng pag-aaral na ito ang mga paraan kung saan tinupad ni Kristo ang mga tipan ng Diyos sa Kaniyang bayan sa buong kasaysayan, na tatapusin sa loob ng isang linggong ...
Hinweis: Dieser Artikel kann nur an eine deutsche Lieferadresse ausgeliefert werden.