Matunog ang kolesterol sa panahon ngayon dahil literal na nangangahulugang buhay at kamatayan ang balanseng mayroon ka. Ngunit marami pa ring iba’t ibang kaisipang naninindigang tama ang mga iyon. Para sa karamihan sa atin, napakahirap magdesisyon tungkol sa pagkain.
Subalit ang totoo, substance na mala-wax at parang fat ang kolesterol na matatagpuan sa katawan natin at sa mga tiyak na pagkain. Mahalaga ang papel nito sa maraming prosesong physiological gaya ng paggawa ng mga membrane ng cell at pagkakaroon ng mga hormone at vitamin D. Ibinabiyahe ng mga lipoprotein lalo na ng low-density lipoprotein (LDL) at high-density lipoprotein (HDL) ang kolesterol sa daloy ng dugo.
Mahalaga man ang kolesterol sa katawan natin, maaaring tumaas ang panganib ng pagkakaroon ng mga sakit na cardiovascular gaya ng mga atake sa puso at stroke kapag may mataas na antas ng kolesterol na LDL. Maaaring makadagdag sa hindi malusog na antas ng kolesterol ang mga gawi ng pamumuhay gaya ng pagkain ng mga pagkaing matataas sa mga saturated at trans fat, kakulangan sa pisikal na gawain, at panininigarilyo.
Makatutulong na pangasiwaan ang antas ng kolesterol sa pamamagitan ng pagpapanatiling kumakain ng mga pagkaing mabuti para sa puso, maraming prutas, gulay, whole grain, at lean protein. Mahalagang bawasan ang mga saturated at trans fat na nasa mga pagkaing pinrito at pinroseso.
Maganda rin ang epekto sa antas ng kolesterol ng regular na ehersisyo, pangangasiwa ng timbang, at pagtigil sa paninigarilyo. Kung kinakailangan, maaaring magmungkahi ang mga propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan ng mga gamot para pababain ang antas ng kolesterol kasabay ng mga pagbabago sa pamumuhay upang pababain ang panganib ng pagkakaroon ng mga sakit na cardiovascular at para sa pangkalahatang kapakanan.
Mahalaga ang regular na pagsusuri ng kolesterol para sa maagang pagtukoy at mabisang pangangasiwa.
Hindi man ako propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan, marami naman akong ginawang pananaliksik para isulat ang maliit na librong ito. Sana mapukaw nito ang interes mo upang mas lalo mo pang alamin ang paksang ito at humingi ng payong propesyonal kung kailangan.