Sunflower, galing sa mga salitang sun o araw na sumisimbolo sa pag-asa at flower o bulaklak na sumisimbolo naman sa babae. Ang tauhan ay mahilig sa sunflower. Hindi niya akalain na ang bulaklak na ito ay magdadala sa kanya ng isang mensaheng babago sa kanyang buhay. Tulad ng sunflower, siya kaya'y makatatayong muli at mananatiling malakas sa harap ng hamong kanyang kinakaharap? Tulad ng sunflower na inilalagay ang sarili sa posisyon kung saan direkta nitong natatanggap ang enerhiya ng araw, siya kaya'y titingala upang matanggap naman ang Kanyang mga pagpapala? Patuloy ba niyang hahanapin ang liwanag sa kabila ng sitwasyon? Magninilaynilay ba siya o tatanggapin na lamang na sadyang ganito ang buhay, masalimuot? Lalaban pa ba siya? Tulad ng sunflower na isang happy and bright color, ika nga sa Ingles, maririnig pa kaya natin ang kanyang muling paghalakhak sa gitna ng landas na kanyang tinatahak? God enjoys encouraging us through things in his creation, and sunflowers are certainly no exception. Growing from a small seed, they show how mighty a little faith can become. Their constant pursuit of the sun is a good reminder to continually seek the Son, Jesus, during our days. And, bursting with glorious color, they implore us to share our own contributions with the world. - Jamie Trunnel And, bursting with glorious color, they implore us to share our own contributions with the world... ang limang akda na matatagpuan sa aklat na ito ay kontribusyon naman ng may-akda bilang isang guro. Patuloy na magsasabog ng karunungan sa kanyang mga mambabasa gamit ang kanyang panulat. Ito ay regalo na niya sa kanila. Maligayang pagbabasa!
Hinweis: Dieser Artikel kann nur an eine deutsche Lieferadresse ausgeliefert werden.
Hinweis: Dieser Artikel kann nur an eine deutsche Lieferadresse ausgeliefert werden.